Monday, January 8, 2018

Film Review: Haunted Forest (2017) | 43rd Metro Manila Film Festival


Advertisement:
Lazada Philippines


haunted forest 2017 official poster
Haunted Forest Official Movie Poster;
photo grabbed from Wikipedia
Title: Haunted Forest
Director: Ian Loreños
Film Editing: Jeps Gallon
Executive Producer: Lily Y. Monteverde, Roselle Y. Monteverde
Music by: Francis Concio
Cinematography by: Rommel Sales
Film Editing by: Tara Illenberger
Cast: Raymart Santiago, Joey Marquez, Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal, Maris Racal, Jon Lucas, Beverly Salviejo, Jerald Napoles
Country: Philippines
Language: Filipino
Release Date:
Genre: Horror







WARNING: some part of the review may contain spoiler...

Ito ang una kong pinanood sa walong entry na kasali sa 43rd Metro Manila Film Festival. Nae-excite ako kasi nakakatakot ito as the title implies - Haunted Forest. So yun nga, may horror scene kaagad sa una pero hindi pa naman siya ganoon na nakakatakot. Pagbigyan na natin baka patikim palang talaga iyon kaya hindi pa siya kasindak-sindak.

Sa mga sumunod na eksena, dumating si Joey Marquez para mag-inspect sa nangyaring krimen. Ang role niya ay Police Chief. As expected matatawa ka sa gagawin niya, expected from a comedian, na-deliver niya naman iyon at natawa ako.

At may mag-ama, bagong uwi lang galing Maynila. Para silang LQ (lover's quarrel), basta may mapait na kwento sa likod ng pag-aaway nila. Tapos nakilala naman nung anak na dalaga ang mga kaibigang lalaki ng pinsan niya. Wala sa katauhan nung mga lalaki na iyon ang pagiging probinsyano character nila. Mas narinig ko pa ang pagiging slang nila e na mala-amboy.

Nagkaayaan sila. Naligo sila sa ilog. Tapos yun nga, nakursunadahan na ng Sitsit yung babaeng taga-Maynila. Sa mga sumunod na mga eksena, nagumpisa na yung mga "nakakatakot" na eksena. May quote talaga yung "nakakatakot" kasi hindi talaga nakakatakot yung mga eksena e. Parang pilit o kaya "okay na yan" effects. Year 2017 na, wala po bang improvements regarding sa special effects?

Pati pamagat ng pelikula, pilit o kaya "okay na yan". Hindi solid yung pamagat para sa istorya. Malaking porsyento ng istorya hindi naman nangyari sa kakahuyan. May parte na masasabi nating "Haunted Forest" pero hindi solid Haunted Forest ang takbo ng istorya.

Tsaka buti na lang at hindi rin "Sitsit" ang ipinamagat nila. Hindi kasi iyon ang alam kong "Sitsit" na kwento ng matatanda. Yung "Sitsit" kasi na alam ko e yung kapag napagabi ka ng uwi, mag-isa kang naglalakad sa daan at may sumitsit sayo, sabi sa kwento, wag ka raw lilingon sa likod kung saan narinig mo yung sitsit. Kapag lumingon ka raw ay kukuhain ka raw nung "Sitsit". At para raw malayuan ang "Sitsit", kailangan baliktarin raw yung damit para hindi ka na masundan.

Tungkol sa "Sitsit" na ginamit nila, e parang basta lang tinawag na Sitsit at nilagyan ng kung ano anong capabilities para kalagim-lagim yung eksena niya. Pero wala e, hindi tumalab yung scare effect.

Sa kalagitnaan ng panonood ko, nagdadaldalan na lang yung ibang nanonood sa sinehan at may narinig pa ako, nagpapatugtog ba naman ng song sa phone. Imbes na mabadtrip ako sa attitude nila e hinayaan ko na lang. Baka hinihintay na lang nila matapos yung palabas.

Kung gusto manood ng nakakatakot na palabas ang mga anak ninyo na bata pa, pwedeng-pwede sa kanila ito. Hindi sila mato-trauma sa takot kapag napanood nila ang "Haunted Forest". Note, PG-13 siya.


Ito ang grado ko sa pelikulang ito: 1.5 / 10.0

Salamat!



Movie Trivia:

- walang napanalunang award ang Haunted Forest sa MMFF 2017.


-




Reference: