Monday, September 28, 2015

Film Review: Heneral Luna - Artikulo Uno

* the following film review is written in Filipino. If you'd like to translate this review to your language, see how-to here
or read my English review in IMDb here. Thanks!

Film Title: Heneral Luna
Directed by: Jerrold Tarog
Film Released: (Philippines)
Country: Philippines
Language: Filipino, English, Spanish
Production company: Artikulo Uno Productions
Website:


Heneral Luna movie poster
(poster and study guide are downloadable in their official site, see link)

Written by:
  • E.A. Rocha
  • Henry Hunt Francia
  • Jerrold Tarog


Heneral Luna Official Trailer


Actor:
  • John Arcilla as Gen. Antonio Luna
  • Mon Confiado as President Emilio Aguinaldo
  • Epi Quizon as Prime Minister Apolinario Mabini
  • Joem Bascon as Col. Francisco "Paco" Román
  • Archie Alemania as Capt. Eduardo Rusca
  • Alvin Anson as Gen. José Alejandrino
  • Nonie Buencamino as Felipe Buencamino
  • Paulo Avelino as Gen. Gregorio del Pilar
  • Anthony Falcon as Sgt. Diaz
  • Leo Martinez as Pedro Paterno
  • Alex Medina as Capt. José Bernal
  • Art Acuña as Col. Manuel Bernal
  • Ronnie Lazaro as Lt. García
  • Ketchup Eusebio as Capt. Pedro Janolino
  • Bing Pimentel as Laureana Luna
  • Lorenz Martinez as Gen. Tomás Mascardo
  • Benjamin Alves as Lt. Manuel L. Quezon
  • Romcel Musa as Gen. Arthur MacArthur Jr.
  • Allan Paule as Juan Luna
  • Marc Abaya as young Antonio Luna
  • Perla Bautista as Trinidad Aguinaldo

Di ako tagasubaybay ng mga pelikulang Pilipino partikular sa mga bagong nilalabas sa lokal na sinehan. Di ko kasi nagugustuhan ang mababaw na tema ng mga bagong palabas ngayon. Siguro't sa umpisa nagugustuhan ko sila dahil karamihan sa mga ito'y nakakatawa ang istorya pero iyon at iyon lagi ang tema sa nakalipas na dekada. Kaya siguro ako nagsawa.

Pero nag-iba ang pagtingin ko sa lokal na gawang pelikula nang ipalabas nila itong Heneral Luna!
Akala ko wala nang pag-asa pa magbago ang mga tema ng pelikulang Pinoy. Ngunit nagkamali ako at nabuhayan ako ng pag-asa sa ginawang pelikula nila Jerrold Tarog.

Di maiaakila ang pagiging patas ng Direktor sa pagbibigay ganap sa katauhan ni Hen. Antonio Luna sa pelikula. Nagtagumpay siya sa pagpapakita ng dalawang katauhan ni Antonio Luna. Isa ang tibay ng kaniyang prinsipyo para sa bayan at ang kabila'y pagiging mainitin nito. Ayon kasi sa kasaysayan, at natatandaan ko pa sa turo ng aking guro sa Kasaysayan, talagang napakarahas ni Hen. Luna sa kaniyang kasundaluhan, lalong-lalo na sa mga di sumusunod sa kaniyang mga utos. Napakahigpit nito, matalas ang dila at talagang napakarahas na kahit sino man ang mapagalitan nito'y manliliit sa takot.

Di tulad ng ibang biopic na pelikula, madalas na pinapalabas lamang nila ang positibong katauhan ng pangunahing tauhan at itinatabi ang negatibong mukha nito. Sa puntong iyon, masasabi kong bihira ang nakakagawa ng pelikulang tulad ng Heneral Luna dahil sa nagawa nilang pagpapalabas sa positibo't negatibong katauhan ng nasabing Heneral.

Nanggaling pa sa iba't-ibang manunulat at producer ang script nito kaya talaga namang pinaglaanan ng panahon, binigyan kalidad at respeto ang pelikula. Kumpara sa ibang pelikulang Pilipino na nagsisilabasan ngayon na may di-kapani-paniwalang badyet at talaga namang nakakasawa na.

Sana maramdaman naman ng mga Direktor at produksyon na gumagawa ng Comedy, Kabit-kabit-na-asawang at may kamunduhang tema na lasing-na-lasing na ang katulad ko sa mga pinag-gagawa ninyo. Matauhan sana kayo na lumalala na ang moralidad at pagiging anti-intellectual ng mga Filipino.

At huling sana ko ay maging ihemplo ang ginawa ni Jerrold Tarog at ng kaniyang production team sa mga kapwa niya Direktor, na magpatuloy ang ganitong klaseng pelikula. Hindi man biopic, basta't kakaiba at kapupulutan ng malaking aral. Malaking aral, hindi mababaw na aral! Ha!

Salamat!


__________________

Review Rating: 4.5 / 5.0

-





Reference:

1 comment:

  1. One of the best historical Pinoy movies of all time even I didn't watch it. John Arcilla gave his best job in this role as Antonio Luna

    ReplyDelete